h1

Hello world! Ako si Mateo, kumusta?

August 31, 2011

Hello world!

Wow, pang-buong mundo ang ganda ng lola ko. Ako si Mateo. Bakit Mateo? Pakibasa po sa “Mateopage” kung bakit.

Mahilig akong magsulat ng kung ano-ano, maikling kwento, tula, at eto nga blog, although trying hard lang talaga (pagpasensiyahan na po)  kaso hindi naman journalism ang kinuha ko kasi wala akong perang pangmatrikula.   Noong nasa hayskul ako gustong-gusto kong maging member-writer ng dyaryo ng skul, kaya lang kahit mahilig sumulat, kung wala naman proper education hindi rin pala madali.  Kaya ayun, hanggang pangarap na lamang ang pagiging writer ko.  Nga pala meron pala kaming journalism subject noong thrid year and 4th year, pero medyo nahirapan talaga ako kasi Ingles, ang hirap talaga ng Ingles kahit kailan.  One time nga ng magexam kami iyon bang sport news, pagsusunod-sunorin yong paragraph ng news, grabe wala akong itinama doon as in bagsak. Kaya natanggap ko na rin na hindi ako para sa pagsusulat. Kaya bagamat gusto ko eh hinayaan ko na lang, walang talent eh.

Eto naman, nang nauso ang blog, aba mukhang okay kasi parang wala naman siyang sinusunod na rules and regulation, basta sulat lang ng sulat.  Minsan iyong ibang mababasa ko maganda, may sense, may matutuhan, iyon namang iba, walang kakwenta-kwenta.  Hindi ko lang alam kung itong blog ko ay isa ring basura, sana naman po ay hindi.  Kasi as much as makakaya ko sa awa at tulong ng Dios ay makapagsulat ako ng may kawawaan, yung may sense ba.

Anyway, bahala na kayong humusga, salamat sa time ninyo sa pagbabasa. Mabuhay kayo!

 

 

One comment

  1. Hi, this is a comment.
    To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: