h1

Pasalamat ng Buong Kapatiran (2012 1st Qtr)

March 30, 2012

Bilang isang Kristiano, ito na siguro ang pinakahihintay naming araw, ang makapagpasalamat sa Dios, sa napakarami Niyang  biyayang ipinagkakaloob sa iglesia, maging literal man o spiritual.  Kung sa labas, ay nagsasaya sila, kami naman sa loob ng iglesia ay nagsasaya din ng sobra-sobra, maraming pagkain ang inihanda ng aming mangangaral, Bro. Eli Soriano, pagkaing spiritual, mga salita ng Dios, mga pampalakas sa oras ng tukso at pighati, mga aral ng Dios na mahalaga pa sa langit at lupa. Upang ang mga tiisin at ang mga pag-uusig ay malampasan ng bawat isa, habang nagtutumibay sa pagkakapit kay Kristo, upang ang kapayapaan ay manatili sa puso at isip ng bawat kapatid, dili iba kundi si Kristo, ang Prinsipe ng Kapayaan.

Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman kapag ang katwiran ng Dios ay iyong naunawaan, sa pamamagitan ng kanyang sugong mangangaral.  Basta, iba ang pakiramdam, ang tanging masasabi mo lang ay “SALAMAT SA DIOS SA KANYANG KALOOB NA DI MASAYOD!” Hindi mo nga masayod eh, sa sobrang lalim, ang hiwaga ay nabubuksan sa kapatiran, at kapag iyong naunawaan sa awa at tulong ng Dios, wala ka talagang ibang katagang masasabi kundi “salamat sa Dios”.

Palibhasa’y tatlong araw ang pasalamat, expected mo na pagod ang mararamdaman ng mga kapatid, pero ang nakakapagtaka ay hindi sila napapagod. Palaging malakas at handa sa pakikinig ang bawat isa.  Hindi nga alintana ang puyat, ang pagod, ang gutom kung minsan, ang mga sakit-sakit na nararamdaman sa katawan, paano nga ay mayroon Isang nagpapagaling, ang Dios.

Maaring sa iba, iisipin nila na kami ay kakaiba sa marami.  Pero ano pa man ang sabihin ng marami sa aming magkakapatid, isa lang ang amin alam, ang magpasalamat sa Dios ay kalugod-lugod sa kanya.  Bilang mga anak, isang obligasyon ang magpasalamat sa kanyang Ama sa lahat ng mga biyaya, maging mabuti man ito o masama sa paningin ng iba.  Palibhasa’y naturuan na sa lahat ng bagay ay maging mapagpasalamat ang mga kapatid, anoman ang dumating sa ating buhay, maging masaya man o unos na panggiba, hindi dapat kalimutan ang magpasalamat sa Dios.

Sa pagpapasalamat ngang ito, bukod sa mga katwiran na mauunawaan ng bawat isa, ay napapatawad din naman ang ating mga kasalanan na nagawa. tulad nga ng palaging binabasa ni Bro. Eli sa aklat ng Cronica,

2 Cronica 7:14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Hindi lamang kasalanan ang ipapatawad ng Panginoon, pagagalingin pa Niya ang ating lupain. Biblically speaking, sabi ni Bro. Eli, ang “lupain” ay ang puso o ang ating katawan, o ang ating tinatangkilik sa buhay.  Kaya kung may sakit-sakit kang nararamdaman sa katawan, sa awa at tulong ng Dios, ito ay gagaling. Ganundin naman ang iyong puso una sa lahat, kung ang pananampalataya mo ay hindi gaanong matibay, ang kanyang salita ang siyang magpapatibay nito. At siyembre pa, ang ating mga kahilingan ay kanyang didinggin sa langit.

Kaya naman kapatid ko kay Kristo, happy pasalamat ng buong kapatiran sa iyo, nawa’y sumaatin ang kapayapaan ni Kristo.

Maraming maraming salamat sa Dios.   Happy Pasalamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: