h1

Nay, mahal na mahal kita.

May 14, 2012

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siya nabigyan ng katuwaan at mga sama ng loob, pero wala naman akong masyadong natatandaan na nagcomplain siya sa kasalukuyang buhay niya.

Galing siya sa isang mahirap na pamilya, tatlo silang magkakapatid, ngunit maliliit pa lamang sila ay nagkahiwa-hiwalay na.  Grade one siya nang mamatay ang ama niya dahil sa sakit na tuberculosis, dahil na rin sa hirap ng buhay, kaya nagkasakit ang kanyang ama.  Solo silang isinulong ng kanyang ina na ilang taon palang nawawala ang kayang ama ay pumanaw na rin dahil din sa sakit.  Bago pa man ito mawala sa mundo ng tuluyan ay ipinakasiyo niya silang tatlo sa kaniyang mga kamag-anak, dalawang kapatid niyang lalaki sa Ilocos at siya (panganay) ay natira sa kaibigang matalik ng kanyang ina sa Pasay.  Mula noon, hindi na niya nakita pa ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki.  Pinag-aral siya ng kumupkop sa kaniya ngunit hindi siya nakapgtapos man lamang ng elementarya.  Naging kasa-kasama siya ng mga kamag-anak ng tinuluyan niya sa pagtitinda sa palengke hanggang sa tumigil na nga siya sa pag-aaral.  Sa hindi nakapag-aral na tulad niya, naging simple lang ang buhay, ang buhay niya sa Maynila. Sa edad na disinueve ay sinuong niya ang buhay may-asawa.  Hindi madali, dahil sa murang edad, pinag-aralan niyang makisama sa mga magulang ng kanyang napang-asawa at sa mga kapatid nito.  Palibhasa’y wala naman masyadong alam sa buhay, naging taong-bahay siya,  naging katulong sa aasikaso sa bahay at sa pagtitinda ng kanyang biyenan. At sa matandang bahay niya isinilang ang tatlo niyang anak, ang ika-apat ay na nag makalipat na sila ng bahay ilang kilometro sa lumang bahay.

Kung ang ibang mga kananayan as paligid ay nagahanap-buhay din para tulungan ang kanilang mga asawang lalaki, ang aking Ina ay nanatiling kasama naming apat.  Siya ang bahala sa lahat ng aming kailangan mula sa aming pagkagising hanggang pagtulog.  Ang maliit na kinikita ng aking ama, na minsan ay karpintero, minsan ay mangignisda, minsan ay mason, ay pinagkakasya niya sa pagkain at sa aming pag-aaral.   Palibahasa mga bata pa kami, hindi namin alam ang mga problemang nasasagupa ng aking Ina para lamang mapagkasya ang lahat at maging maayos kami.  Habang lumalaki ako, naging mapaghanap ako sa kalinga ng isang magulang.  Naging mapagtanong bakit mahirap lang kami? Bakit hindi ako tinuturuan ng aking mga magulang pagdating sa assignments? Bakit konti lang ang baon ko sa skul? At napakarami pang bakit na hindi ko nai-voice out.

Hindi ko alam kung sisihin ko ba ang kahirapan kung bakit hindi ako masyadong showy pagdating sa pagmamahal ko sa aking mga magulang, o baka dahil hindi rin sila ganun sa akin.  Naisip kong naging sapat na siguro sa kanila ang mapakain kami sa araw-araw at mabihisan at maipasok sa eskwelahan at makapagtapos hanggan kanilang kaya.  Iyon na siguro ang depinisyon nila ng pagiging responsableng mga magulang.  Pero sa kabila ng lahat ng mga iyon, heto kaming magkakapatid, maayos namang nagsilaki at may mga sarili na ngang pamilya.   May maayos na pagsasama bilang magkakapatid, walang problemang malaki at bukas ang komunikasyon sa isat-isa.

Sa paglipas nga nang panahon napag-unawa ko na bagamat’ hindi ako naging kuntento sa pagiging magulang nila sa akin, naisip kong mali pala ako, dahil sa mga pagkakataong madami nandoon sila upang iparamdam ang kanilang pagmamahal at suporta. Sa tuwing kami ay may sakit, palagi silang puyat at ikot kung paano makakahanap ng pambili ng gamot. Sa tuwing darating ang pasukan sa eskwela, nagahahanap ng maipambibili ng gamit sa eskwelahan.  Sa tuwing walang maipang-ulam, ang aking ama ay lumulusong sa ilog upang manghuli ng isda sa kalagitnaan ng gabi.  At palibahasa kami ay apat, kahit na sila ay walang makain basta kami ay mabusog lamang, nagtitiis sila. At marami pang iba na hindi ko na lang nabigyan ng atensyon noon.

At ngayon nga na ako naman ang nasa kalagayan nila bilang magulang, nais kong maramdaman nila ang contentment bilang isang anak sa kanila.  Tunay na malaki ang nagagawa ng materyal na bagay para maiparamdam mo ang bagay na iyon kahit sa kanino pang tao.  Ang problema uli, wala ako ng materyal na bagay na iyon.  Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ko man sila mabigyan ng magadang bahay, ng sasakyan, ng kung ano-anong pangangailang personal, ang simpleng yakap at halik sa tuwinang nagkikita-kita kami ay makasapat na sana para maiparamdam ko ang aking pagrespeto at pagmamahal sa kanila.  Na palagi ko ring itinuturo sa aking mga anak.  Hindi malayo ang aming bahay sa kanila, araw-araw kaming nagkikita, at sa bawat araw na ibinibigay ng Dios sa akin at sa kanila, I make it sure na nabati ko sila ng magandang umaga at nahagkan sila sa kanilang noo o pisngi.  At sa aking pag-uwi mula sa trabaho ay nagpapakita ako sa kanila at binabati silang muli ng magandang gabi sabay haplos sa kanilang mga buhok.  Kapag hindi mo talaga nakasanayang gawin iyon, parang nahihiya kang gawin, pero kailangang gawin, sa paraang iyon ko lang maipaparamdam na mahal ko sila.  At sa totoo lang, nakikita ng aking puso na may tuwa sa kanilang puso sa ganoong gestures.

Bukod pa rito ang walang patid kong pananalangin sa Dios patungkol sa kanila.  Walang presyong katumbas ang bagay na ito, at mula sa isang anak na nagmamahal, naniniwala akong dinidinig ng Dios ang aking mga panalangin.

Hindi ko man siya batiin ng happy mothers day sa tuwing magcecelebrate ng mothers day ang maraming tao, para sa akin araw-araw dapat ipakita mo sa iyong Ina kung gaano siya kaimportante sa buhay mo. Hindi lang sa isang araw, kundi sa lahat ng araw na ipinapahiram ng Lumikha sa lahat. Isa pa ipinagpapasalamat ko sa Dios na mayroon akong Ina na mapagmahal.

Salamat sa Dios!

 

One comment

  1. Reblogged this on "Let my cardio speak." -Angela and commented:
    true…



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: