h1

Ang Tsinelas

May 17, 2012

Sino ba ang hindi nasasabik sa isang bagong tsinelas o sapatos?

Nakita ko sa cellphone images ang larawan na ito, naisipan kong gawan ng blog habang naghihintay ako sa kinauupuan ko ngayon.Napansin kong sira na at tunay na luma na tsinelas na ito na suot niya.  Pero alam ninyo ba na hindi ko naririnig na nagrereklamo ang anak ko kung ilang beses man mapatid ang tsinelas niya.  Sa ganitong mga pagkakataon, nasuusal ko ang pasasalamat sa Dios.  Dahil sa murang isipan ng mga batang ito, hindi sila lumalaking materyalista, bagamat mayroon silang mga munting hiling, naghihintay sila kung kailan mo ito ibibigay sa kanila.

Baka kaya kinunan ito ni Denise para marealize ko na kailangan nang palitan ang kaniyang sapin sa paa.  Ito naman kasi ang nagiging problema ko, iyong mga simpleng bagay na ganito, palagi ko nakakalimutan na bilihin.

Kahapon, natuwa naman ako at ibinili pala siya ng kaniyang Ama ng bagong tsinelas na nagkakahala ng P70 sa palengke.  At masaya-masaya na ang bata sa simpleng bagay na iyon.

Kasimplehan ng buhay, iyan ang nais kong ipamaan sa aking mga anak. Dahil ang mga bagay na nasa paligid ay lilipas at hindi madadala sa libingan kaano pa kaimportante iyan.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: