h1

Bigay ng Dios

May 17, 2012

 

Hindi ka man mabigyan ng maraming materyal na bagay sa mundong ito na pinagkakaabalahan ng maraming tao sa ngayon, sapat na mabigyan ka ng ganitong biyaya mula sa itaas na nagsisilbing kasiyahan ng iyong mga araw sa mundo.

Sila ang mga anak natin na nagiging dahilan ng ating pagpupursigi sa buhay.  Nagbibigay kasiyahan sa mga araw ng iyong kalungkutan.  Ang kanilang mga simpleng tawa at walang-muwang na usapin na lumalabas sa kanilang bibig, ay kasiyahan na sa ating mga magulang. Sinabi ng mga manunulat sa atin, ang ating mga anak ay kayamanan.  Hindi ko mapagtanto kung paanong sila ay naging kayamanan sa murang isipan ko noon.  Pero nang makita ko sila, tunay na sila nga ang aking mga kayamanan.  Ang mga papuri at di-papuri sa kanila ay tagos sa ating mga magulang.

Nakakapagtaka na nga lamang ang ibang mga magulang na pagkatapos magpakasarap sa kama at makabuo ng bata ay papatayin sa sinapupunan pa lamang, kundi man ay itatapon sa mga basurahan kung ang bata ay hindi nakuha sa mga gamot pampalaglag.  Anong konsensiya meron ang mga taong ito na hindi ba nila nalalaman ang kaakibat na responsibilidad ng bawat ungol sa dilim.  Malaking at matagal ng isyu sa ating lipunan ang mga bagay na ito, ana anopat’ marami nang programa ang ipinalabas ng ating gobyerno upang masugpo kung hindi man ay mapaliit nag bilang ng gnaintong kaso.  Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang problema ng teen-age pregnancy at abortion sa bansa ay lalong tumitindi at ano pa’t pabata ng pabata ang mga involve dito.

Kung paanong ang maraming mag-asawa ay nasasabik na mayakap ang kanilang parating na anak, ngunit hindi mapagkalooban, heto naman ang mga iresponsableng mga magulang na walang pakialam sa kanilang mga anak, at iaanak pa.  Ang kahirapan ba ang dapat isishin sa mga bagay na ito o ang kawalan ng kaalaman patungkol dito.  Hindi ko sinasabing sagot ang RH Bill sa hinaing na ito ng ating bansa, ngunit ang kaalaman hindi para murang isip na katulad ng nakasaad sa RH bill ang sinasabi, kundi sa munting tahanan natin dapat magsimula ang kaalaman at ipiaunawa ang responsibilidad sa maagang pag-aasawa at wala sa panahong pag-aanak.

Kung tayong mga magulang ay hindi alam ang mga bagay na ito, paano pa nga malalaman ng mga maliliit nating anak. Kaya nga sabi ay ituro mo sa bata ang dapat niyang lakaran di ba para pag siya ay tumanda ay hindi niya hiwalayan, sabi sa Biblia ay ito:

Kawikaan 22:6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kaya nga, ang bigay ng Dios sa atin ay ating alagaan ng higit, turuan ng mga dapat na naayon sa utos ng Dios para magsilaki silang may takot sa Dios at hindi liabilidad ng lipunan.  Umpisahan natin sa ating mga sarili, mga magulang, tayo mismo dapat ang mauna na makaalam ng kung ano ang dapat at kung ano hindi dapat, upang sa ganoon ay may maituro tayo sa ating mga anak, at sila naman sa kanilang magiigng mga anak.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: