Archive for June, 2012

h1

Salamat sa Dios sa Tungkuling Bigay

June 29, 2012

2 Corinto 9:15 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.

 

Note: photo courtesy of brethren in faith.

 

Advertisements
h1

PRAY WITHOUT CEASING

June 28, 2012

Imbitado po kayong lahat sa oras-oras na pananalangin ng Iglesia ng Dios.

Heto po ang link:   24/7 Community Prayer

 

Sa panalangin parang ang lapit ng Dios sa ating mga tao.  Halina po kayo!

 

h1

Umawit sa Dios

June 28, 2012

 

Kapag may problema o nalulungkot, marami sa atin makikita sa tomaan (beerhouse) na nagnga-iisip na ang beer o alak ay makapag-aalis ng sama ng loob na nararamdaman.  Pwede siguro ilang oras, oo, pero kapag nawala ang tama mo, nandoon pa rin ang problena, hindi naman talaga nawala.

Ang iba naman, sa pagkain idinadaan.  Bubusugin ang sarili hanggang masuka ka na sa kakain.

Ang iba naman kung may pera lang din naman ay idadaan sa pagsho-shopping ng kung ano-anong materyal na bagay.

Sa panonood nman ng sine ang iba.

Pero ang payo ng pantas na isinugo ng Dios sa kalagitnaan natin, para makaiwas sa sobrang kalungkutan dala ng mga suliranin ng buhay: umawit tayo sa Dios.  Bakit nga hindi?

“Halina oh mga kapatid

At tayo’y magsi-awit

Sa Dios Ama na nasa langit

Sa ati’y nagtangkilik”

h1

Armageddon: Bro. Eli Soriano opposed Jose Luis de Jesus Miranda

June 28, 2012

Please read blog of the most awarded religious blogger of this time and see for yourself how biblical Bro. Eli opposed this false preacher Jose Luis de Jesus Miranda saying June 30, 2012 is the date of transformation or Armageddon.

At his latest blog  “The Greatest Liar of Our Time”.  Please pool your comments on comment section. Thanks be to God.

 

h1

Almusal ng mahirap na kagaya ko

June 27, 2012

Ang normal na almusal ng mahihirap na kagaya ko: kape, pandesal, itlog, at iyong hotdog-paminsan-minsan lang madagdag sa plato.  Salamat sa Dios sa almusal na ito. Nawa’y makapagpalakas ng aking katawan at isipan.

Almusal.  SAbi ng mga experto sa nutrition, ito ang pinakamahalagang meal sa loob ng isang araw.  Ang hindi pagkain ng almusal ay dahilan ng panghihina ng katawan o pagbagal ng takbo ng isipan.  Hmmm, kaya pala ang hina ko sa eskwela noong ako’y nag-aaral, kasi malimit hindi ako nag-aalmusal.

h1

$1 Billion Loan sa IMF

June 26, 2012

Nakakashocked naman itong news na ito, parang “hello” ganoong bang kayaman ang Pilipinas para makapagpautang ng 1 Billion Dollars? Magkano iyon sa Peso time 43 equals 43 Billion Piso. Wow…..ang dami-dami, pero maliit pa rin kung ico-compare sa national budget na nasa trillion pesos na.

Anyway, sa unang dinig parang hindi tama, hindi akma sa sitwasyon ng Pilipinas.  Pero sa kabilang banda na kikita naman ito ng interest in due time, pwede na rin siguro.  Sabi kasi reserves ito ng Pilipinas at hindi pwedeng galawin para sa mga projects ng gobyerno, kundi sa investment lang talaga. Heto na ang magandang pagkakataon at the same time nakatulong pa ang Pilipinas sa iba. Wow,, that is another fun in the Philippines. Kung pasikat man ito =, hayaan na lang nating magpasikat ang Pilipinas sa magadang paraan kahit sa marami pa rin ang kumakalam ang sikmura sa atin.

 

 

h1

Palatino’s Bill binawi na

June 26, 2012

Okay na sana ang bill na isinumite ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino, ang House Bill 6330 entitled “Religious Freedom in Government Offices Act” kung saan naglalayong ipagbawal sa mga government offices at sa mga paremeters nito ang pagco-conduct ng mga religious rites at ang paglalagay ng mga religious images.

Ang kanyang proposed bill ay sumasang-ayon daw Section 5 ng Philippines Constitution’s  Bill of Right – ang Freeedom of Religion.

Ngunit nito lamang, napag-alaman kong binawi na rin ni Rep. Palatino ang nasabing proposal bill. Paano ba naman, 85% ng populasyon ng bansa ay Katoliko, at sila lang naman ang may pinakamaraming images na inilalagay kung saan-saan, kasama na nga ang mga opisina ng gobyerno.

Ang masasabi ko lang dito, SAYANG! Sabi ni Dr Jose Rizal, nasa mga kabataan ang pag-asa ng bayan.  Kung sa mga ganitong bagay walang “say” ang mga kabataan na isa namang magandang panukala, isang pagbabago, na sa palagay ko’y wala namang masasagaang paniniwala, dahil hindi naman na-violate ng bill na ito ang paniniwala ng mga katoliko una sa lahat.

Palagi natin kasing nakakalimutan na ang Simbahan ay dapat hiwalay sa Gobyerno natin. Hindi dapat nakikialam ang simbahan (anomang relihiyon iyan) sa gawain ng gobyerno o sa pagpapatakbo nito.  Ang bawat isa ay may karapatan makialam sa ating gobyerno sa tamang paraan ng pakikialam.At hindi lang mga katoliko ang may transaksyon sa gobyerno, maraming religious denomination ang nakikipagtrasact dito.  Kung makakita ang sinomang hindi member ng Roman Catholic ng isang relics/images dito, iisipin kaya niyang, pag-aari ba ito ng simbahang katoliko?

Ang bawat isa ay may karapatang maniwala, nirerespeto ko ang karapatang iyon. Pero ang hindi ko nirerespeto ang ang mismong paniniwala nila, tulad ng mga images/rebulto na niluluhuran at tinitirikan ng kandila kahit tanghaling tapat.  Pasensiya na mga kaibigan katoliko, pero sana naman po ay magmulat na tayo ng mga mata, matagal na po tayong inaalipin ng relihiyong iyan, apat na raang taon na po tayong inaalipin, na pati si Dr. Jose Rizal ay nasaksihan ang pang-aalipin na iyan.

SAYANG NAMAN!