h1

Ipalagay mong wala kang kwenta

June 6, 2012

Nang mabasa ko ang post na ito, nagpasalamat ako sa Dios.

Ano man ang kalagayan ng isang tao, mahirap man siya o mayaman, may pinag-aralan o wala, may isang pareho sa kanila: ang kagustuhang matanggap ng kapwa-tao niya (acceptance).  Hindi mahirap na tanggapin ang isang mayaman, matalino at kilalang-tao sa lipunang kanyang ginagawalawan palibhasa’y naging kalakaran na rin ito ng mga tao.  Hindi na nila kailangan gumawa ng kakaibang mga bagay para mapaalam sa mundo na sila ay nag-eexist.  Sa kabilang banda naman ay ang kabaligtaran ng isang mahirap at walang pinag-aralan, ang pagtanggap ay kasinghirap yata ng paglusot ng elepante sa karayom.  Minsan ang tao tumitingin sa panlabas na anyo ng kapwa at hindi sa kabutihan ng puso nito.

At sa mga ganitong pagkakataon na hindi tayo matanggap ng ating kapwa, ng ating pamilya, ng ating mga kaibigan, nakakaramdam tayo ng lungkot.  Ang iba nga ay nagkakaroon pa ng psychological problem at nagrerebelde.  Normal lang naman na masaktan tayo kung inaayawan tayo ng ating kapwa.  Pero kung iisipin nga pala natin na tayo ay walang kwentang tao, hindi man tayo tanggapin ng mga mahal natin sa buhay o ng ating kapwa, sa palagay ko ay maiibsan ang sakit na mararamdaman natin.  Ipagpalagay mo na wala kang kwenta. Ginawa ko na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: