h1

K-12: Kailangan ba talaga?

June 6, 2012

http://tacurongdeped.files.wordpress.com/2010/12/k-12.jpg

Nahati ang aking opinyon ng maalaman kong ipapatupad na ang K-12 sa mga paaralan, maging pribado o publiko man. Bilang magulang, siyempre gusto nating magtapos ng pag-aaral ang ating mga anak with flying colors at magtapos ng may kahusayan. Ito ang aking kuro-kuro:

Advantages:

Una, nagkaroon ng K-12 upang maihanda raw ang ating mga kabataan sa pagtratrabaho, sa pagkokolehiyo at sa pakikipagsabayan sa global employment.  Ang punto ay lalong maging mahuhusay ang mga nagsipagtapos sa pag-aaral sa anomang larangan na gusto nilang suungin sa buhay.  Ibig sabihin ba nito, sa kasalukuyan, ang ang ating mga estudyante medyo mahina pagdating sa academic subjects, kaya ang dagdag na dalawang taon ay sapat at dapat upang matutunan nila ang mga dapat matutunan?

Paghahanda sa kolehiyo at paghahanapbuhay sa loob at labas ng bansa  – hindi lahat ng mga nagsitapos ng highschool ay tiyak na makakapag-kolehiyo dahil una hindi na ito libre.  Kung mayroon mang libre na pinatatakbo ng gobyerno tiyak may mga expenses pa rin na kailangan sagutin ang mga magulang.  Ang dagdag na dalawang taon ay vocational study, na kahit hindi ka man makagkolehiyo mayroon kang kaalaman sa isang bagay. Kung matapos mo ang dalawang taon na ito, may pag-asa kang makakuha agad ng trabaho o makapgsimula ng negosyo na naaayon sa pinag-aralan mong bokasyon.

Disadvantages:

1.Dagdag dalawang taon, dagdag gastos. – kung sa public school ay libre ang tuition fee, hindi naman libre ang mga projects at extra curricular na babayaran ng mga mag-aaral.

2.May tendencing tamarin na ang estudyante sa pag-aaral sa tagal.

3. Maaring magkaroon ng pagtigil sa pag-aaral dahil sa pangangailangan pinasyal ng pamilya at kakatulungin na lamang ang anak sa paghahapbuhay kaysa ipagpatuloy ang pag-aaral.

4. (nag-iisip pa)

Tunay na kalagayan ng edukasyon:

Ang mahinang kaalaman ba ng mga bata ay dahil sa kulang sa panahon ng pag-aaral o nasa mga guro na rin ang pagkukulang, dahil may mga guro na hindi mahusay magturo. Ang iba pa nga ay dinadaan na pagiging mabagsik, kinatatakutan ng mga estudyante.

Ang mga magulang ba ng mga estudyanteng ito ay nagcocontribute ba para sa ikasusulong ng kanilang mga anak, o ipinapasa-paaralan na lamang nila lahat ang pagkuha ng kaalamang pang-academic?  Kung si Nanay o si Tatay ay nagtuturo paminsan-minsan sa knailang mga anak, sa aking palagay ang hindi naunawaan ng mga bata sa paaralan ay mauunawaan sa bahay.  Wika nga ng marami, tayong mga magulang ang unang mga guro sa ating mga anak.

Ang pinansyal na problema ng mga mahihirap nating mga kababayan ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit hindi nahahasa ang ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Nauuna ang paghahanap-buhay, tulad ng pagtulong ng ma bata sa kanilang mga magulang upang makabili ng pantawid gutom, ang pag-aaral ay pumapangalawa o pumangatlo lamang sa priority nila.

Matalino at matiyaga ang ating mga Estudyante

Ang mga Filipino ay matatalino, basta mabigyan lamang sila ng tamang paraan ng pag-aaral at magkaroon ng magagaling na mga guro at suporta ng mga magulang.

Ikaw, sang-ayon ka ba sa K-12?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: