h1

Target: Pass the Board (wish wish wish)

June 9, 2012

Kapag wala ka raw tinatarget, wala kang tatamaan! E paano kung ang target ay parang napakalayo tulad ng pagpasa sa CPA Board Exam after 12 years ng huling review?  Hindi kaya refresher course ang kailangan ko at hindi review. This time tiyak ang dami-dami nang nagbago at iyon ang kinakatakutan ko.

Wala sanang problema kung mag-one year review ako tulad ng advice ng mga cpa doon sa isang exchange site para sa mga old graduates kagaya ko kung financially stable lang sana ako. According to them ang course will cost P12000++, kung dalawang beses akong magrereview it will be doubled.  Paano pa ang mga ibang expenses tulad ng pamasahe at pagkain, parang aabot ng P100K ang gagastusin ko sa one-year review na ito. Oh my, parang nawawalan na ako ng pag-asa na maging CPA.

Kung hindi ako magrereview sa isang Review Center sa Manila, how do I know ang mga changes na yan? Hmmmm….bumili kaya ako ng mga books new edition, magandang idea, how much kaya ang cost ng mga iyon. Seven subjects kaya ang inclusion ng exam, plus reviewers pa na updated din kailangan bilihin.  Well, kung icocompare ko ang expenses ng pagrereview versus self-review di hamak na makakatipid ako sa self-review. Actually, sa ngayon imposible din na makapagreview ako sa Manila dahil sa trabaho ko, imposibleng mabigyan ako ng 1-year leave para makapagrefresher, baka sabihin pa ng Boss ko ay “magresign ka na lang”.  Hindi naman pwede kasi paano naman kami kakain kung wala akong trabaho.  (sigh) Kung magrerequest naman ako ng off ako ng Saturday, ayoko po kasi malalaman nila na magrereview ako, mageexpect ang mga iyon ng aking pagpasa sa exam. Medyo nakakahiya kapag bumagsak, sa tingin ko mabuti iyon secret lang ang review, secret ang pagtake ng exam, at bongang-bongga madyaryo naman ang pagpasa (hehehe-sarap mag-imagine).
With these problems, parang ang hirap abutin ng target ko.  Pero I know somehow, matutupad din ang wish kong ito, I will wait for the right time to come kahit oldies na ako okay lang basta huwag lang mawawala sa puso ko ang willingness to take the board.

2 comments

  1. Kaya yan sis awa’t tulong🙂 Sa tingin ko po mas maigi kung magrereview kayo. Mahirap po kasi ang self review. It might look better in terms of cost cutting, but the passing rate could be very low. But here’s the good news sis. Presently, the percentage of passing rate for the CPA licensure exams is between 39-42%.🙂 Who knows. Baka eto na po yung time to become a CPA God willing!🙂


    • Salamat po sa Dios. Medyo mataas na nga ang passing rate ngayon compared 10 years ago na 15-17% lang.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: