h1

Maling Aral Ugat ng Kapahamakan

June 11, 2012

Ang pagkagiba ng sinasampalatayanang doktrina ng Iglesia ni Kristo at ang pagkalagas ng kanilang mga miyembro ang dahilan ng kanilang nagngangalit na ngipin laban kay Bro. Eli Soriano. Kaya ang lahat ng paraan upang mapabagsak ang mangangaral ay ginawa nilang lahat mula sa paninirang-puri, pagsisinungaling sa harapan ng national television, pagsasampa ng kung ano-anong mga kaso laban kay Kapatid na Eli.  Sa kasalukuyan, kulang na lamang pati ang pagpatay kay Ninoy Aquino sa NAIA ay ipaako kay Bro. Eli.  At sa kasalukuyan din, ang tanging hangad ng mga ministro ng Iglesia ni Kristo ay ang kamatayan ng mangangaral.

(Please click youtube links)

Ang wish ng mga ministro ng INC para kay Bro. Eli: Rest in Peace

Lantad na lantad ang motibo ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo sa video na ito, kitang-kita kung paano nila pinaghahandaan ang paglapag ng mga paa ni Bro. Eli sa airport. Ipasusundo daw nila sa kapatid nilang si Amorao (na may-ari ng isang funeral parlor), carpeted daw ang dadaanan at may palibreng kape at mani pa. At ang kanilang wish kay Bro. Eli “rest in peace”.

Taong 1980 nagsimulang pasukin ni Bro. Eli ang telebisyon at nabuo ang programang “Ang Dating Daan”. Ito ay upang maraming tao ang makarinig ng aral ng Dios na kanyang sinasampalatayan.  Sa pagsasabi ng totoo na nasa Bibliya, maraming mga paniniwala o relihiyon sa Pilipinas ang ang nauga ang doktrina at napatunayan gamit ang Bibliya na mali ang kanilang aral na pinagsasamahan.  At isa na rito ang Iglesia ni Kristo (ni Manalo).

Ang dahil ng pagsasahimpawid ng “Ang Tamang Daan”

June 11, 2001 nang bumalangkas ang Iglesia ni Kristo ng palatuntunang pantelebisyon, sinadya hindi upang mangaral ng ebanghelyo kundi para labanan at siraan ang Mangangaral at Punong tagapagsalita ng programang “Ang Dating Daan”,  na gumiba ng kanilang matatag (daw) na aral.  Ang nagnanais na gumiba ay siyang unti-unting nagiba.  Ang aral ng Iglesia ni Cristo na kasalungat sa Bibliya ay pinagtibay ng mga sagot ni Bro. Eli na lalong nagpaigting ng galit ng mga ministro ng INC.

Ang Hiling sa Maginoong Pag-uusap at ang Paninira ng mga ministro ng INC

Magkaroon ng maginoong paghaharap ang hiling ng isang dating ministro ng Iglesia ni Cristo o isang debate. Ngunit ang sagot ng mga ministro ni Manalo (Bularan), ang nagaganap na sagutan sa telebisyon ay “running debate” na raw. Kaya naman sa sinasabi nilang “running debate” ang madilim na aral ng INC ay unti-unting nalilinawan sa pamamagitan ni Bro. Eli na naging dahil sa pagsusuri ng maraming miyembro, ang linaw na na kanilang narinig ay naging dahil upang sila ay umanib sa Iglesia ng Dios a.k.a. Ang Dating Daan.  Sa pag-iwas sa debate ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo, mismong mga miyembro na nila ang nagnanais na magkaroon ng debate.

Nagsimula na ang paninirang-puri ng mga ministro ng INC ng hindi nila maipaliwanag na Biblical ang kanilang mga doktrina patungkol sa SantaCena na ginaganap sa umaga, evening gown, morning star, Banal na Halik, Anghel si Manalo, at marami pang iba. Hindi daw sila naninira kaya wala raw basehang na sumama ang kalooban ng ilang nakikinig sa kanila. Heto ang ilang sa kanilang binitawang salitang paninira kay Bro. Eli, kayo na po nag humusga kung hindi nga sila naninirang-puri: “ang amo mo mandurukot”, manggagantso” “manghuhuthot”,” tuso”, nangungulimbat ng ilegal, baliw, tanga, engot, pinakamalaking peste.

Sa simpleng libel case na isinampa ng INC laban kay Bro. Eli, makikita rin natin sa video na ito ang pagasalakay ng NBI (pagseserve ng warrant) noong Pebrero 2, 2002, Sabado ng madaling-araw.  Ang tanong ni Bro. Josel Mallari, ito bang mga taong ito ay totoong NBI agents? Na para bang sasabak sa giyera ang mga taong ito, na  parang matinding kriminal ang tinutugis, handang pumatay dala-dala ang kanilang malalakas na armas. Ito ba ang iglesiang totoo na mali-mali ang aral at handang pumatay ng tao dahil hindi matutulan ang bibig ng mangangaral ng Dios sa katauhan ni Bro. Eli????

Mali-maling turo ng Iglesia ni Cristo.

Kaya naman lalong nag-uungol sa galit ang mga ministro ng INC ay ang mga kahihiyang natanggap nila sa mali-maling aral na ipinakikita nila sa telebisyon. Ilang dito ay:

1. Ang matandang ahas sa Eden

2. Pasugo versus Pasugo

Reference: ww.youtube.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: