h1

Wala dapat reserbasyon sa pagsasabi ng totoo.

June 11, 2012

Ito ang natutunan ko sa mangangaral na sugo ng Dios sa katauhan ni Bro. Eliseo Soriano, ang pagsasalita ng tapat walang reserbasyon lalo na pagdating sa bagay na pangkaluluwa.

Sa isang blogsite na aking napuntahan, napatunayan kong ang pagsasabi ng katotohanang na mababasa sa Biblia ay masakit sa mga taong hindi matanggap na iyon ay kanilang ginagawa. Dahil sa hindi pagtanggap ng katotohanang ito, ipagpipilitan nilang sila ang tama kahit na walang matibay na basehan. Basta iyon ang kanilang nagisnan, doon na sila mamatay. Hanggan sisilipin na nila ang personal na buhay ng nagsasalita kahit na wala naman itong kaugnayan sa topic na pinag-uusapan nila.  Pararatangan at kakaladkarin ang pangalan sa mga paninirang-puri na hindi naman napapatunayan, pero sa mga taong ito, tinatanggap na nila na iyon ay isang katotohanan. Sa madaling salita, mas pinananiniwalan nila ang chismis kaysa sa mga nakasulat sa Bibliya na sinasabi nilang pinaniniwalaan at sinusunod nila.

Sa pagsasabi din ng katotohanan hindi maiiwasan na makasakit ng damdamin ng kaibigan.  Nagkataong magkaiba ang inyong relihiyong kinaaniban, kaya naman normal lang na ipagtanggol mo ang ang iyong kinasasaniban. Pero hanggan saan ba dapat magsalita at hanggan saan dapat magtanggol?  Ang pagsasabi ng totoo, tama sa lahat ng aspeto, moral at espiritwal.  Kaya nararapat lang na sabihin ang totoo at huwag magsinungaling.  Kung sakaling natagpuan mo ang kaototohanan na makapagliligtas ng iyong kaluluwa, ikahihiya mo bang ipagsigawan ito at ipamahagi sa kapwa upang sila din naman ay maktanggap ng biyaya.? Ipagtatanggol mo ba ang paniniwalang salat sa katotohanan at walang basehan?Dapat mo bang ikagalit kung may isang taong tapat na nagsasabi ng totoo? Hindi ba ito ang tamang pagkakataon para masuri mo ang kasalukuyan mong pinaniniwalaan? Na baka ikaw ay nagpapagod lamang sa walang kabuluhan?

Ang totoo, ipinagtatanggol anoman ang mangyari, lalo pa’t ito’y katotohanang sinasabi sa Bibliya. Masasaktan ka ba kung  mismong nanggaling sa bibig ng nirerespeto mong mga ministro ang mga pagbabaka sa buhay ng kanilang itinuturing na kaalit?  Isipin mo, tama bang mag-isip man lamang ng kababagsakan ng kapwa? OO, ang masama ay dapat ibagsak, pero ang kapwa na buti lamang ang hangap sa kaniyang kapwa, dapat ba siyang gawan ng masama?

Isinusulat ko ito para sa isang kaibigan na may ibang paniniwala.  Paniniwalang maaring magdala sa kanya sa kapahamakan kundi hindi siya magsusuri.  Ang nakikita ng ating mga mata ay pawang panlabas lamang, ngunit tayo ay binigyan ng pang-unawa upang mapag-alaman ang tama at ang mali.  Iba ang pakitang-tao sa tunay na nilalaman ng puso.  Oo, hindi mo iyon kaagad makikita kaya maaring malansi ka sa kanilang pagkukunwari, pero kung pakikinggan mo lamang ang iyong puso, malalaman mo na hindi iyon totoo.  Aking kaibigan, alam kong nasaktan kita-paumanhin, ang katotohanan ay nasa harapan mo na, ang hiling ko lang ay buksan mo ang iyong isipan. Sapagkat ang pagsasabi ng totoo ay hindi paninira kundi pagbubukas ng isipang ikinulong sa mga rehas ng kasinungalingan.  Nasa iyo parin ang pagpapasya. Magkaibigan pa rin tayo bagamat tayo ay magkaiba.

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: