h1

MAKONTENTO TAYO AT MAGPASALAMAT

June 22, 2012

Salamat sa Dios una sa lahat sa napakarami Niyang biyaya sa kapatiran, hindi na masayod ang iba.  Happy Pasalamat ng Buong Kapatiran sa mga kapatid sa iglesia ng Dios.

Sa mga nakaraang pagkakatipon, iniisip ko kung ano ang pinaka-ugat ng pagpapasalamat sa Dios. Sobrang curious talaga ako hanggan sa ipahayag ito ni Bro. Eli Soriano sa Prayer Meeting kahapon.  Overwhelming talaga ang paksang iyon, very special para sa akin.

Ang ugat ng pagpapasalamat sa Dios ay ang pagiging KUNTENTO.

1Timoteo 6:8 Nguni’t kung tayo’y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.

Sabi nga ni Bro. Eli na ayon na rin sa Bibliya, kung mayroon tayong pagkain at damit ay makontento na tayo, sapagkat tayo ay nailuwa sa mundo ng walang anoman dinala at aalis din naman ng walang anomang dala. SA buhay ngayon maraming mga tao ang hindi makontento, kaya hindi rin mapagpasalamat sa Dios. Maraming hinanahangad sa buhay na ito kahit pa mayroon na naman sila na wala ang marami.  Tama ang Bibliya, kung tayo nakakain at nakapagdamit, dapat makontento tayo at maging mapagpasalamat. Kasi kug sa maliit at kaunting bagay ay kontento at mapagpasalamat na tayo, lalo naman kung bibigyan pa tayo ng Dios ng higit sa kailangan natin at inaasahan.

I Timoteo 6:7 Sapagka’t wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;

Hindi ba ang walang kakuntentuhan sa buhay ang dahilan ng maraming nakawan ngayon.  Nagnanakaw ang iba para magkaroon sila ng wala sila. Hay…kung makikinig lamang sila kay Bro. Eli, hindi nila gagawin ang mga bagay na iyon na labag sa batas ng tao at Dios.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: