h1

Ang trahedya sa laot

June 25, 2012

Ito ay tunay na pangyayari, bagama’t hindi ko man maisulat ng buo, ramdam ko sa aking puso ang lungkot, awa at panghihinayang.  Ang kwento na nagpaiyak sa akin sa tuwing aking naaalala. Ito ay kwento ng mag-aama na pumalaot sa dagat upang mangisda.

At ito ang kwento:

Si Mang Juan (di tunay na pangalan) ay may dalawang anak na lalaki at isang babae.

Kahit mahirap ang pamilya masaya silang nabubuhay ng simple.  Ngunit isang pagsubok ang dumating sa kanilang buhay na halos ikawasak ng puso ng Ama ng tahanan.  Isinama niya ang kanyang dalawang anak ng gabing yaon sa pangingisda.  Wala naman problema ang mga nakaraan nilang paglaot.  Pero iba ang gabing iyon.  Habang nangingisda sila ay tumaob ang bangka at nahulog silang tatlo, kagyat na isinampa ng ama ang mga bata sa bangka, ngunit nang isa pa lamang ang nakakasampa ay biglang ang umandar ang makina sa hindi maipaliwanag na dahilan at ang bangka umusad ng mabilis, naiwan ang mag-ama sa laot at mag-isa ang isang bata sa bangka.  Nakapasan ang anak sa kanyang likod habang sila ay nagpapalutang-lutang sa tubig, naghihintay ng may sasaklolo, habang nag-aalala sa isang anak na nakasakay na mag-isa sa bangka na umusad.  Matagal silang nakalutang sa tubig hanggang nararamdaman ng ama na hirap na siya sa paglutang, napapagod na siya dahil may kabigatan din ang kanyang anak na nakapasan sa kanya, lumulubog na sila pareho. Matagal pa silang nakalutang, walang dumadaang ibang bangka.  Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na niyang mamili, kung hindi ay pareho silang malulunod at mamatay.   Kinausap niya ang kanyang anak at humingi ng tawad dito , pinabibitaw niya ito sa kanya pero ayaw ng bata, umiiyak, nagmamakaawa na huwag siyang iiwan ng ama.  Hanggang siya na mismo ang nagtanggal sa dalawang braso ng bata na nakapalipit sa kanyang leeg  at ng maalis sa pagkakapit sa kanyang leeg ang mga braso ng kanyang anak ay binitiwan nya ito at ang bata ay unti-unting lumubog sa ilalim ng dagat.  Nanatili siyang nakalutang na nakatulala at umiiyak. Ilang sandali lang ang lumipas, heto ang isang bangka patungo sa kaniyang kinaroroonan at siya ay kanialang sinaklolohan.  Hinanap nila ang kaniyang anak na lumubog ngunit hindi na nila ito nakita pa.

Nakaligtas ang ama at ang isang anak na sakay ng bangka nila, ngunit ang isa pa ay hindi na nakita kahit ang katawan man nito.  Ang ama ay nawalan ng ganang mabuhay pa, nawala ang dating masayahing mukha at palakwentonng ama ng tahanan, palaging tulala at malungkot kahit pa lumipas na ang ilang taon, na palaging  pa ring nakatanaw sa dagat na sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang anak.  Hanggang siya ay nagkasakit at bawian ng buhay dahil sa kalungkutan.

Note:  Humihingi ako ng paumahin sa mga nakakakilala kay Mang Juan at sa kanyang mga anak kung naisulat ko man ito ng walang pahintulot.  Nais ko lang ipahatid sa mga mambabasa na ang ating buhay at maikli lamang, pakamahalin natin ang ating mga anak habang kasama natin sila.  Napakahirap ang ginawang desisyon ni Mang Juan na piliin ang kamatayan ng isa niyang anak kaysa silang dalawa ang parehong lumubog sa laot.  Bagamat marami ang nagsasabi na tama lamang ang ginawa niya, dahil kung siya pati ay namatay, paano na ang mga maiiwan niya samantalang mayroon pa silang ibang anak. Ngunit ang sakit na nararamdaman ni Mang Juan ay walang katumbas. At ang trahedyang ito ang unti-unti ring bumawi sa kanyang lakas at buhay dahil sa tindi ng kalungkutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: