h1

Hunyo 24

June 25, 2012

Ang sabi ng Bibliya, si San Juan Baustista, nagbabawtismo sa tubig o sa ilog Jordan, at ang binabawtismuhan niya ay ang mga taong nagsisisi at nagbabalik-loob sa Dios.

Mateo 3:6 At sila’y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.

Pero bakit naman ginawang katatawanan ang pag-alala ng kaarawan ni San Juan Bautista? Una, hindi ako sigurado kung Hunyo 24 ba talaga ang kapanganakan ni San Juan Bautista. Ito ay nakagisnan ko na lamang na sa tuwing araw ng 24 ng Hunyo ay nagbabasaan ang mga tao, bata man o matanda.  Wala silang pakialam basta sa araw na iyon, free ang mambasa kahit sa anong paraan: water-gun, tabo, tubig na inilagay sa plastic ng yelo. Malas mo na lamang kung ikaw ay papasok sa trabaho, humanda ka nang mabasa.

 

   http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/festivals/pista_ng_san_juan.htm

Papasok ako noon sa eskwela ng biglang hagisan ng tubig ang bus na sinasakyan ko, at kahit naiinis, wala akong magawa kundi ang magtanong sa sarili ko, “ano ang napapala ng mga tao sa pagcelebrate ng araw na ito?”   Wala akong pamalit kaya ang damit na basa natuyo ng kusa sa aking katawan.  Mabuti na lamang hindi ako nagksakit at hindi maruming tubig ang inihagis sa amin.  May mga pagkakataong ang ginagawa ng iba ay maruming tubig, pinaghalong ihi at tubig sa kanal. Naisip ko, makatao ba ang gawin iyon sa kapwa mo, ang basahin ng tubig na galing sa canal para lamang masabing nagcecelebrate siya ng kapanganakan ni San Juan.

Mag-isip lamang tayo, marapat ba na gawin natin ang bagay na ito kung Bibliya ang pag-uusapan.  Makakadagdag ba ng kabanalan ito sa atin o isang kamangmangan lamang ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: