h1

Isang maikling kwento ng pagliligtas ng Dios

June 25, 2012

Nais ko lang i-share ang pangyayari sa isang kapatid sa iglesia, sa awa at tulong ng Dios ay naligtas sa kapahamakan.

Papunta ang kapatid sa lokal upang magsagawa ng pagdalaw.  Sumakay siya ng tricycle.  Isang kotse ang humaharurot na muntik nang makabangga sa kanila.  Huminto ang kotse, bumaba ang driver nito at bumunot ng baril.  Dagling lumapit sa driver ng tricycle at mukhang hindi paaawat dahil sa kalasingan.  Paglapit ng lasing na may dalang baril sa tricycle, tinunghayan ang driver ng tricycle at nagwikang ” pare, ikaw pala’, sabay talikod at bumalik na sa kanyang kotse. Bago bumaba ang kapatid, tinanong ninya kung kakilala niya ang sumugod na lasing na driver, sinabi nito, “nagtataka nga ako dahil hindi ko siya kakilala”.

Nang ikinuwento ito sa akin ng kapatid, ang aking naibulalas “salamat sa Dios sa kanyang pagliligtas”. Maswerte ang tricycle driver na iyon, na-extend sa kanya ang pagliligtas ng Dios dahil sa kapatid na naisakay niya.

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: