h1

Palatino’s Bill binawi na

June 26, 2012

Okay na sana ang bill na isinumite ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino, ang House Bill 6330 entitled “Religious Freedom in Government Offices Act” kung saan naglalayong ipagbawal sa mga government offices at sa mga paremeters nito ang pagco-conduct ng mga religious rites at ang paglalagay ng mga religious images.

Ang kanyang proposed bill ay sumasang-ayon daw Section 5 ng Philippines Constitution’s  Bill of Right – ang Freeedom of Religion.

Ngunit nito lamang, napag-alaman kong binawi na rin ni Rep. Palatino ang nasabing proposal bill. Paano ba naman, 85% ng populasyon ng bansa ay Katoliko, at sila lang naman ang may pinakamaraming images na inilalagay kung saan-saan, kasama na nga ang mga opisina ng gobyerno.

Ang masasabi ko lang dito, SAYANG! Sabi ni Dr Jose Rizal, nasa mga kabataan ang pag-asa ng bayan.  Kung sa mga ganitong bagay walang “say” ang mga kabataan na isa namang magandang panukala, isang pagbabago, na sa palagay ko’y wala namang masasagaang paniniwala, dahil hindi naman na-violate ng bill na ito ang paniniwala ng mga katoliko una sa lahat.

Palagi natin kasing nakakalimutan na ang Simbahan ay dapat hiwalay sa Gobyerno natin. Hindi dapat nakikialam ang simbahan (anomang relihiyon iyan) sa gawain ng gobyerno o sa pagpapatakbo nito.  Ang bawat isa ay may karapatan makialam sa ating gobyerno sa tamang paraan ng pakikialam.At hindi lang mga katoliko ang may transaksyon sa gobyerno, maraming religious denomination ang nakikipagtrasact dito.  Kung makakita ang sinomang hindi member ng Roman Catholic ng isang relics/images dito, iisipin kaya niyang, pag-aari ba ito ng simbahang katoliko?

Ang bawat isa ay may karapatang maniwala, nirerespeto ko ang karapatang iyon. Pero ang hindi ko nirerespeto ang ang mismong paniniwala nila, tulad ng mga images/rebulto na niluluhuran at tinitirikan ng kandila kahit tanghaling tapat.  Pasensiya na mga kaibigan katoliko, pero sana naman po ay magmulat na tayo ng mga mata, matagal na po tayong inaalipin ng relihiyong iyan, apat na raang taon na po tayong inaalipin, na pati si Dr. Jose Rizal ay nasaksihan ang pang-aalipin na iyan.

SAYANG NAMAN!

 

 

 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: