h1

Welcome po sa Kapatirang sa Dios Kapatid na John Regala

July 13, 2012

Kapag may mga bagong kapatid na nabaustimuhan at i-we-welcome namin sa lokal, may kakaiba kang mararamdaman na mahirap ipaliwanag ng salita, ang tanging masasambit mo lamang ay isang “Salamat sa Dios”.   Salamat sa Dios dahil ang pagpapagal ng Kapatid na Eli at ng mga kapatid sa iglesia ay nakakapagpabalik-loob sa Dios ng mga kaluluwa na hindi nakakilala sa Kanya (Dios) noon.

At ngayon nga araw ng Biyernes, Hulyo 13, 2012, kung sa marami ang Friday the 13th ay badluck, hindi para kay Bro. John Regala, dahil ngayon ang kaniyang araw ng kapanganakan sa espiritu. Salamat sa Dios dahil ang dating nagsasalita ng mapapait na bagay sa aming mangangaral dahil sa hindi pagkaalam ng katotohanan ay nagbalik-loob, nagpapakumbaba at naghanap ng lingap at katwiran ng Panginoon, welcome sa kapatirang sa DIOS Kapatid na John Regala.

photo  courtesy of brethren in faith

Samahan ka po nawa ng Panginoon palagi Kapatid na John.  Maraming pag-uusig kang susuungin ngunit ang Panginoon po tulad ng sinasabi sa atin ng ating Mangangaral, ay palaging nariyan sa oras ng ating pangangailangan upang tayo ay iligtas sa kasamaan.

Salamat sa Dios at may isang Mangangaral sa katauhan ni Bro. Eli Soriano na matapat na nangangaral ng salita ng Dios.

5 comments

  1. wow lupet ni john.. kala ko di sya maanib dahil inuusig nya dati si Bro Eli… grabee yan nagpapainterview pa para lang sirain si Bro eli.. pero ngaun kapatid na sya.. yan ang may paninindigan


  2. Eclesiastes 3:15 Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na.

    Nangyari kay San Pablo, nang-uusig siya dati ng mga kapatid sa Iglesia ng Dios, same hapened with Bro. John Regala at sa iba pang mga nang-usig na naanib sa awa at tulong ng Dios.

    Salamat sa Dios at may isang Bro. Eli na naglilingkod sa panahon ngayon upang maipalaganap ang salita ng Dios.


  3. welcome po kapatid na john….
    Bro.eli..tanong ko lang po..is it a sin to a woman and man to have their own self pleasuring??


  4. thanks po bro.mateo…di pa po ako anib pero nakikinig na po ako ky bro.eli. single po ako kaya nagtatanong po ako tungkol sa masturbation…sana po di kasalanan ang gawin ito..kung kasalanan man sana mapatawad aki ng Dios,,,



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: