h1

Sinong Nagbabasa?

July 19, 2012

Naalala ko ang Bibliya sa bahay, kailan ko nga ba ito huling nabuklat. Ahhh,,,una mas gusto ko kasing basahin ang mga komiks ang pocketbooks noon, kaya naman ang Bibliyang iyon, naka-display lamang sa may altar. Oo, may maliit kaming altar, may rebulto ni Maria, may bulaklak at kandila.  At kapag naaalala kong magdasal, lumuluhod ako sa altar na yon, nanalangin kay Maria, tsk tsk tsk…’yan kasi ang naituro sa akin noong nasa Legion of Mary pa ako, grade 6 ata ako noon.  Manalangin kay Santa Maria.  Ilang buwan nga ba kaming nag-aral patungkol sa buhay ni Maria, pero wala akong naalala na nagbasa kami o nag-aral man lang ng Bibliya, kaya nga lumaki akong hindi ako marunong sa kapitulo at bersikulo, ngayon na lamang, nang makapakinig ako kay Bro. Eli Soriano sa programang Ang Dating Daan, ng minsan hindi ako makapagtutulog sa mga gabi dahil sa samu’t saring suliranin sa buhay.

 

Ang Bibliya na puno na ng alikabok, nakalagay sa taguan, sinong nagbabasa?  Hindi ba isinulat ito para basahin ng mga tao?  Sinong nagbabasa?  Unang pagbasa, pangalawang pagbasa…tanda ko pa ganyang sa Katoliko..dalawng sitas ang babasahin at ang ibang oras ay gugulin na sa sermon at mga tradisyon na hindi ko naman mabasa sa Bibliya.  Sino nga ba ang nagbabasa?  Pagpasok ko sa isang kompanya sa Makati, may Bibliya rin sa maliit nilang altar, nakadisplay, nakabukas sa bandang Levitico, sino ang nagbabasa?  Wala!

Akala ko WALA! Pero mayroon palang isang lalaki na masugid na nagbabasa ng Bibliya mula sa kanyang pagkabata.  Kaya pala kabisado niya ang Bibliya, mula Genesis hanggang huling aklat, ang Apocalipsis.  Siya iyong habang nagsasalita, “basa! basa!”, at sa isang episode lang ng programa niya, ang dami kong nabasang talata ng Bibliya, takang-taka, manghang-mangha, “meron palang ganoong nakasulat sa Bibliya?” And the rest is history.  Ngayon kaanib na ako sa grupong inaakay ni Bro. Eli Soriano, marunong na akong magbasa ng Bibliya, at tumutupad ng mga nakasulat doon sa awa at tulong ng Dios sa pagtuturo ni Bro. Eli.  Ngayon, hindi na ako lumuluhod kay Maria at sa bahay namin, walang altar ni rebulto, bawal ng Dios eh.

Ano ang nilalaman ng Bibliya, bakit hindi mo basahin ito? Click mo lang Bro.

Conscience and the Bible

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: