h1

Mahabang Buhok

November 7, 2013

1Corinto 11:15 Datapuwa’t kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka’t ang buhok sa kaniya’y ibinigay na pangtakip.  (Ang Dating Biblia 1905)

hair

Maliit pa akong bata, ninanais ko na na magkaroon ng mahabang buhok.  Ngunit hanggang ako ay lumaki at magkaisip, hindi ko mapanatili bagkus sa pagsapit nito sa balikat at agad ko na itong pinapuputulan.  Sa maraming dahilan, isa na ang ‘trend’ na gupit na buhok, ‘siyete’, barbers’ cut, apple cut, at kung ano-ano pang nauso.  Nariyan pa ang pyschological factor na kapag lagpas balikat na ito ay nanlalagas na.

Sa edad na pitong taon, naranasan kong walang buhok.  Hindi dahil mayroon akong sakit na nakapagpapalagas ng buhok tulad ng leukemia, kundi dahil nagkaroon ako ng allergy sa anit, nagsugat at kinakailangan kalbohin ang aking ulo upang mapadali ang paggaling nito.  Sa awa ng Dios, tumubo naman uli.

Ang buhok nga ay tinatawag na ‘crown’ of glory, ngunit hindi ko maintindihan kung sa paanong paraan ito magiging ganoon.  At hindi ko na rin naman inusisa pa.  Nauunawaan ko na lamang ang mga bagay na ito nang marinig ko si Kapatid na Eli Soriano.  At siya na rin ang naging susi upang mapahaba ko ang aking buhok.  Pananampalataya pala ang kailangan para mapanatili ang paghaba nito.  Kaaway ng aking buhok ang gunting, kayaman kahit pa sabihin ng iba na wala sa trend ang aking buhok, okay lang, basta nakakasunod ako sa aral ni Kristo patungkol sa buhok ng isang babae, iyon ang importante sa akin.

Salamat sa Dios.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: