Posts Tagged ‘Apalit’

h1

The Best Ginisang Monggo Ever

May 18, 2012

I did not eat my dinner that time as a prerequisite of that big event of my life, the day after that day, my baptism day in Apalit, Pampanga where ADD Central is located, and where baptism for near divisions took place.  With mix emotions, joy and unspeakable happiness deep within, I felt hungry than ever.

And it was lunch time, they said Bro. Eli Soriano usually prepares the food for the new brethren (newly baptized), like me. Although Bro. Eli is not around in central, for he need to left the country due to persecution of rival churches, the meal they prepare is still with Bro. Eli’s touched of love and care.  And one of the viand in the table is sauteed mung bean or “ginisang monggo” in Tagalog.   And truly speaking, it was the best sauteed monggo I ever ate in my whole life.  The ampalaya and the bagoong  that mixes the taste of bitterness and saltiness is perfect in my hunger. I requested for another saucer of ginisang monggo to the sister-in-charge who accommodating us.

The preacher that prepares everything for the brethren from material meal to spiritual food he shares to us every gathering is unequaled, and we are very proud of him he feed us in the right time, all the time.  If he give his best in this simple vias, like ginisang monggo, how much more in fulfilling his task as sent messenger of God.

I always be thankful to the Creator of heaven and Earth for sending this man to us.

h1

Ang Dios ay Muli Kong Pasasalamatan

March 20, 2012

“Ano na naman iyan, pupunta na naman kayo sa Apalit,  magpapasalamat, hindi ba pwedeng sa loob ng bahay magpasalamat? mag-uubos lang kayo ng pera , ang mga anak ninyo napapabayaan na ninyo, kung saan-saan ninyo pinapatulog, pati hanap-buhay ninyo pinababayaan ninyo, ang hirap-hirap maghanap ng trabaho, absent pa kayo ng absent!!” Nakakalungkot marinig ang ganitong salita sa iyong mga magulang tuwing dadalo kami ng pasalamat sa Dios, tuwing ikatlong buwan, ang Pasalamat ng Buong Kapatiran. Ngunit kahi’t anong usig ang kanilang gawin sa amin, mahal at iginagalang pa rin namin sila, mas higit kaysa noon (kung alam lang nila), dahil sa ganito natutupad ang nakasulat sa mga lingkod ng Dios, na sa pagsunod mo kay Kristo, pag-uusigin ka, at ang unang-una na uusig sa iyo ay ang iyong kasambahay.

Mahirap sa katawan kung iyong iisipin, alas dos palang ng madaling araw ng Biyernes, kailangan na naming umalis ng bahay dahil dalawa o tatlong oras pa ang biyahe patungo sa Central ng MCGI, sa Apalit Pampangga. Alas sais ng umaga magsisimula na ang awitan, kaya kailangan bago pa mag-alas sais ay naroon na kami.  Tatlong araw ang pasalamat sa Dios.  Ang paksa na nagmumula sa Bibliya na itinuturo ng Kapatid na Eli ay napakasarap pakinggan. Ang karunungan mula sa Dios ay nag-uumapaw sa kapatiran.  Para kaming estudyanteng nag-aaral, ang maing libro ay ang Bibliya, ang aming guro ay si Kapaid na Eli at Kapatid na Daniel. Ito ang piyesta ng Dios sa aming magkakapatid. Kung saan nagpapahayag kami ng pagkuwalhati at pagpapasalamat sa Dios, tumatanaw ng utang na loob sa mga pag-iingat niya sa amin at sa aming mga mahal sa buhay at sa aming mga mangangaral. Pagpapasalamat sa Kaninang pagtawag, na Siyang naghango sa kadiliman ng buhay na ito, sa napakaraming kalayawan na mahirap tanggihan kung wala Siya.

Mula nga nang ako ay maanib sa Members Church of God International, natuto akong magpasalamat sa Dios sa lahat ng nangyayari sa aking buhay,  maging sa paningin man ng ibang tao ay mabuti o masama. Sapagkat kaming magkakapatid sa loob ng iglesia ay naturuan na maging mapagpasalamat sa Dios ng mangangaral na sa Dios, sa lahat ng bagay.

Colosas 3:15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya’y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo’y maging mapagpasalamat.

Ako Noon.

Tulad ng marami, aking naaalala ang Dios sa tuwing mayroon lamang hindi magandang nangyayari sa akin buhay, tulad ng pagkakasakit, hirap sa buhay, kawalang ng trabaho, namatayan ng kamag-anak, at mga sakuna at kalamidad. Naaalala ko naman siyang pasalamatan tuwing Linggo, kapag ako nagpupunta sa ‘simbahan’.  Sa pag-aakala ko na napapasaya ko ang Dios sa pagsimba ko sa araw ng Linggo, minsan ginagawa kong dalawang beses ang pagpunta ko sa ‘simbahan’.

Pati sa pagsusugal (paminsan-minsan), nakikiusap ako sa Dios sa aking isip para manalo (hehehe). (Napagtanto ko na mali pa sa Bibliya ang pagsusugal, nang makinig na ako ng Doktrina ng Panginoong Hesus.) Kung magising man ako  sa umaga at matulog sa gabi, bahagya ko nang maisip na manalangin sa Dios.  Sa pagkain ay gayundin naman, bihira kong ipagpasalamat sa Dios ang aking kinakain.

Ako sa kasalukuyan.

Kung paanong bahagya ko nang alalahanin ang Dios, iba na ngayon.  Parang nag-360 degree ang ikot ng aking mundo. Nabaliktad ng buong-buo.  At iyan sa ay dahil sa pakikinig ng aral ng Dios na hindi ko nakahiligan noon. Kung paanong napapaso ang aking tainga sa tuwing may usapang patungkol sa relihiyon o Bibliya, ay siya ko namang kinasasabikan ang mga pang-aaral ngayon.  Tama, ang salita ng Dios ay naging musika sa akin tainga, sa aking puso.

Ano pa nga ba ang pwede kong iganti sa aking Dios na kinikilala.  Siya ang nagbigay sa akin ng buhay, siya ang nagbigay sa akin ng lahat ng bagay na kailangan ko, siya ang nag-iingat sa akin, lalo na sa paggawa ng masama, siya ang dahil ng aking paglakad, Siya nga ang dahilan kung bakit ako nilikha sa mundong ito, ang aking obligasyon bilang tao na Kanyang nilikha aking nagpatanto. Ito lamang ang alam ko, sa lahat lahat ng ito, na Siya ay pasalamatan sa lahat ng bagay. Kaya naman, kahit ano pa ang mangyari, sa awa at tulong ng Dios, muli at muling akong magpapasalamat sa Dios na lumikha ng lahat ng bagay, sa Dios na makapangyarihan sa lahat, ang Dios noon at ngayon.

Salamat sa Dios sa Kanyang kaloob na hindi masayod!

Happy International Thanksgiving!