Posts Tagged ‘Kristo’

h1

Ang Buhay Ko (Si Kristo)

August 3, 2016

Ang Buhay Ko (Si Kristo)

(Adaptation: Ang Buhay Ko by Asin)

 

I

Mula ng makilala ko ang dating daan

Ang buhay kong walang saysay,

Walang kahulugan

Ang mga gawaing di makatuwiran

Sa aral ng Dios Ama, ako ngayon ay

nabihisan.

 

II

Sa bautismo sa tubig ako ay nalinis

Simula ng bukas kay Kristo ako’y  lalakip

Ang ilaw na maghahatid doon sa langit

Nawa Ama maawa ka huwag akong mawawaglit.

 

 

Chorus:

Kay Kristo ang buhay na aking tinataglay

Siya rin ang dahilan kung ba’t ako nagtitibay.

Kay Kristo ang buhay na aking tinataglay

Siya rin ang dahilan kung ba’t ako nagtitibay.

 

 

III

Kaya ngayon ako’y narito upang ipaalam

Na hindi ako nagkamali  sa aking daan

Gantimpalang paraiso ang aking hangad

Kasama ang Ama at lahat ng mga banal.

 

Repeat Chorus 2X

 

Interlude

 

Repeat Chorus

Repeat Phrase I

 

 

Advertisements
h1

BALITA

August 3, 2016

This adaptation of Balita by Asin is dedicated to Bro. Eli Soriano and Bro. Daniel Razon. Salamat po sa Dios sa pagbibigay Niya ng mga tapat na mangangaral sa aming kalagitnaan.

BALITA

KORO:

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

Sa mga Sugong may dalang balita galing kay Kristo
Katwiran na ikaliligtas, dalisay at totoo

Na marapat tanggapin ng lahat na  mga tao.

 

I

Mga Sugong mangangaral di nag-iimbot

Yaman, lakas, pati buhay di ipagdadamot

Mga sisidlang pili ng Dios, tagapagtanggol ng turo

Walang takot, di padadaig sa mga kaaway ng Dios .

 

II
Mula ng tinanggap ko ang mga sugo

Si Kristo ay nakita ng  isip at  puso

Natitik ang  Kaniyang aral, mga utos sinunod

Ngayon ang puso ay umaasa sa awa at tulong ng Dios.

 

Repeat Koro

III
Dati-rati ang buhay ko  pawang anino

Mga gawa ay masasama, hindi humihinto

Dati-rati kaibigan ko lahat ng bisyo,

Magulong tao, palalo,  walang pag-asa sa mundo.

 

IV

Ngayon nga’y nagbago ang katauhang ito

Isang bagong nilalang nabuo dito sa puso ko

Pagibig sa Dios natutunan, pati ng sa kaaway

Dahil sa mga tapat na alipin ng Dios nakilala ko.

 

Koro

Duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo (Hiligaynon)

Mga mensahero nga nagdala sa balita gikan kang Cristo (Cebuano)

Tungod niana nga hinungdan, putli ug matuod  (Cebuano) –

Aron dawaton sa tanan nga mga katawhan. (Cebuano)

 

_END_

 

Quipshere.com

#adaptation